let me take you on the ride of your life
the one

tricia.del.rosario.
LRPMES.QueSci.UPd
UP Club for the Environment and Tourism
ratriniareian
eLGee
teh Hood
b-atch
Pars


speak up






clicks
3 seconds Tuesday, December 08, 2009 8:55 PM
Later I'll post my 2008 and 2009 update. Hehe. Exciting! Kaso, I have to go first at may practice pa kami para sa Friday. Haha.

Malapit na Christmas! Can you feel it? Haha. Ako I can. LOL. It's gastos defined eh. At marami nang Christmas party and reunions na magaganap ulit. At, chenen, nandyan na ang mga inaanak ko! :D LOL. Nako may utang pa ko sa isang inaanak ko, di ako naka-attend nung binyag nya. Nakooooo.

Oh well. I have to go now. BRB. :)




notes 4:01 AM
i just found out na some of my posts are too hard to read coz the fonts are too small. When I have the time, I'll resize it na lang. :) For the meantime, i-zoom nyo na lang na muna. haha. BRB.




guess who's back? Monday, December 07, 2009 5:35 AM
wheee! hahaha :)) Ang saya. After tons of failed attempts and lots of clicking just to retrieve my password... IM BACK!!!! *claps*
So much has changed for the past (almost) 3 years that this blog has been on hiatus.

So mahaba-habang update itoooooooo! :) And since three looooong years nanahimik ito, I'll cut my updates into parts para naman hindi boring (at para hindi na rin ako mahirapan mag-type. haha)

Lemme start. March 23, 2007 yung last post ko. haha. Tour 102 pa yung subject na nira-rant ko. hahaha :)) Grabe. Samantalang ngayon, I'm just 5 more subjects shy from graduating. Wah! Nakakatuwa na nakakakaba. Haha. Grabe lang, nostalgic talaga pag binabasa ko blog ko. Oh wait. updates pala dapat ginagawa ko. Haha.

Oh well. That summer (April 2007), Nadine and I took our CWTS class in Marikina. For two weeks, all we did was to count the turnovers sa parking lot ng Marikina Public Market-- spell e-x-c-i-t-i-n-g., sarcastically speaking. Haha. Then after that, woohoo. Hello first college summer! :)

Second year was my chill year in college. Kaya ayun, pati grades ko chill din. Haha. May pasulpot-sulpot na uno, but still that didn't help since all my other grades were in the line of 2. Tume-tres pa nga *ehemSPANehem* So there.
Nothing special actually happened in 2007. Except that we (Donna, Alyssa, Nadine) applied for Ecotour, together with our batchmates (Rishy, Nestea (hindi pala namin batchmate ito pero whocares?! lol ), Andie, Toni, Mikha, Carla, Keena, Tats and Almira). Fun. Ito na ang pinakamasayang moment ng college life ko (that time). I admit, Ecotour somehow changed me. I dunno exactly how, pero I felt it. Kesow lang. Pero ayun. I'm happy that despite some issues encountered, the B-atch stayed strong. OH YEAH. :))

eto pa ibang "highlights" ng 2007 ko:

* I, uhm, turned 17. (which is, uhm, inevitable I must say)
* took Tour 120 with Sir Lorenzo. FAVORITE.
* get-togethers with grade school friends.
* oh. I though I spent Valentines in Baguio. Panagbenga was in January pala. It's not Valentines for me anyway, it's Single Awareness Day. (parang pinamukha pa sa mga singles no? haha)
* naka-uno pala ko sa Malikhaing Pagsulat! LOL. haha. Pero ironically, ni-drop ko yung Creative Writing ko na subject. haha
* naging prof ko si Mareng Winnie sa Econ 100.1. Haha. At sa aming batch ata yung ipod incident na kinukwento ng mga tao about her. Haha.
* may naging crush ako sa Fil40 subject ko. Kaso di na nya ko kilala. Pero ok lang. Hehe. Kaya naman pala hindi nya ako naging crush, kasi recently I found out na pangit pala taste nya sa babae. So sigeeee. Tanggap ko na. hahahaha! :))

ayun. Sabi na boring 2007 ko eh. haha. 2008 na! Heto na... heto na... heto na... waaaaah!




*had to edit. laki pala ng font pag ni-publish. hahahaha*




tapos na ang sem... Friday, March 23, 2007 10:40 PM
bago ang ka-dramahan, eto muna.

nagising ako ng mga 7am kanina. ayoko pa nga sanang pumasok sa tour 102 dahil isang oras lang naman, tapos parang wala lang naman yung sasabihin ng prof ko. Kaso sabi ni alyssa baka daw kailangan sa test yung sasabihin ni sir. kaya pumasok na rin ako.

nagmadali pa naman ako, yun pala, walang kwenta yung sasabihin niya!! sayang talaga oras ko. sana, mga 12 noon na lang ako pumunta ng school. gagawa kasi kami ng project ng group namin sa geog, yung presentation na ipe-present namin sa monday.

so 10 am tapos na agad yung tour 102. hindi naman ako makaalis ng ait dahil may 'pakain' ng lunch daw yung student council ng ait. so nag stay na lang ako sa library, hanggang 12. hindi ako makakain kasi sabi ng sabi si alyssa na sandali na lang. kaso, 1 pm na, wala pang lunch. kaya hindi na ako nakahintay. umalis na ako.

pagtapos nun nagkita na kami ng mga ka group ko sa may AS. pumunta na rin kami ng UP computer center para mejo libre ang internet pag may laptop. hehe. first time ko ngang pumunta dun eh, kaya mejo nagtitingin tingin lang ako.

natapos na rin naman namin yung pag research (hindi yung project mismo ha) tungkol dun sa topic namin. mga 4pm na yon. hindi na nga ako sanay na umuwi ng ganung oras. idagdag mo pa na nagugutom na ako!!


pero hindi pa rin ako naka uwi. dumiretso ako ng the block dahil sasamahan kong manood ng imago at chillitees yung sis ko.

waah! ang galing talaga ng imago! tsaka ang ganda ni aia! kaso hindi na ako nag enjoy nung chillitees na yung sumunod, kasi mejo boring na yung mga kanta nila. tas si kyla naman yung sumunod, kaya hindi na namin tinapos.

kaya ngayon, hai... ang sakit ng katawan ko! ang sakit ng legs ko, bakit kaya? nakakainis na talaga.

~~~

sa wakas, tapos na ang socsci2 at geog1 exams ko!!! waaah! IM SO HAPPY!!!
nakakatuwa lang, kasi yung socsci2, inaral ko the night before. tapos yung geog 1 inaral ko 2hours before. kasi wala akong readings eh. in fairness, tungkol naman siya sa tourism and economic development, kaya mejo nakasagot naman ako. hehe. happiness...

mabilis ko lang natapos yung test, tapos, kailangan ko pang lumabas agad kasi si paps nga nandun na sa labas, eh may klase pa yun ng 1pm kaya pinasa ko na yung paper ko. hindi na ako nakaisip ng maayos na joke!

pagtapos ng test pumunta kami ng math bldg (alam kaya ni paps na nasa isang bldg lang kami ng mga oras na yun? hehe) para awayin yung prof ko sa math dati. joke lang! hehe. may tinanong lang kami sa prof namin, tapos ginawa na namin yung project ng tinuturuan ni alyssa. grabe, kung ako si alyssa, itutuktok ko sa ulo niya yung project niya! biruin mo, si alyssa pa ang pinapagawa, tapos kailangan kinabukasan meron na?! OA! demanding masyado. project mo ipapagawa sa tutor? swerte niya hindi ako ang tutor niya.

sabay kaming umuwi ni paps, pero nauna ako dito sa bahay kasi umuwi muna siya. mga 5:30 na siya nakapunta dito, hanggang 11pm na.

pinagalitan tuloy ako ng nanay ko, kasi ang late late na nandito pa siya. pinapalayas ko na nga, hindi pa rin umuuwi. na-hook masyado sa gameboy. di bale paps, na save mo naman yung game mo eh!

~~
may bago akong pinsan!

yung bago kong pinsan: si venice ___ (nakalimutan ko yung 2nd name eh)

welcome to the world!

~~

napapansin nyo siguro na palagi kong nababanggit si paps dito sa mga entries ko. kasi madalas nga kaming magka-usap ngayong sem. tsaka sa mga nagtatanong, hindi lang si paps ang madalas kong mabanggit, si alyssa din! tsaka sila rachelle at regina! kaya please, yung mga nag iisip jan.. kayo ha!

tsaka sa mga nagtatanong kung si chever ba at si paps ay iisa... well, HINDI PO!

basta, magkaiba sila. yun lang.


~~



eto na...


ang madramang sem-ender ni tricia...

~~

tapos na ang sem. matutuwa ba ako? siguro. kasi tapos na yung mga mahihirap kong subjects. tapos na yung mahirap na subject na socsci2. tapos na rin siguro yung katamaran ko sa pag aaral. bagong buhay na.

matutuwa ba ako? kung tapos na nga ang second sem?

kahit mahirap ang sem na to, ok lang. para sa akin, ito ang pinaka masayang sem. hindi dahil sa pa easy-easy lang ako, kundi dahil sa mga oras na kasama ko ang mga friends ko.

tapos na nga ang sem. tapos na ang mga mahihirap na subjects. wala nang subjects na may special na kailangan.

ano na kaya ang mangyayari next sem? mauulit ba yung mga nangyari nung sem na 'to?

magkikita pa ba tayo ulit? makakapag-usap? magkakasabay?




tapos na ang sem...




hindi na niya ako kailangan...







~~


whoo! ang drama mo tricia!!




nakakainis na parang ewan.. hai.. Monday, March 19, 2007 9:30 PM
naiinis ako. hindi ko alam kung bakit.

bat nga kaya no? nababaliw nanaman siguro ako.. hala na.

~~
pumunta pala kami ni alyssa (friend!) sa CMC (college of mass communication) Library para maghanap nung para sa PanPil17 nya. Nakakatuwa yung library, kasi malamig, air-conditioned kasi. Hindi katulad nung sa CAL (college of arts and letters) na electric fan lang.
Daming books! (natural, library kaya yun!) Puro tungkol sa television, na interested naman ako. hehe.

nung papunta pala kami sa CMC, dumaan kami sa lagoon. siyempre, ano bang mae-expect mong makita sa lagoon, eh di mga couples na nagcho-chorvahan! haha! grabe talaga, parang hindi sila nahihiya na magpakita sa lahat, eh ang daming tao na dumadaan dun, tsaka mga tumatambay (hindi lahat ng nasa lagoon ay may partner). at, papunta pa lang yun!
pagbalik namin, aba, ibang couple naman! at eto, kiss to the max na sila! siyempre habang naglalakad kami, pa-tingin-tingin kami, kasi siyempre, nacu-curious din kami ni alyssa no! haha! tapos nung tapos na sila, tsaka lang namin nakita na hindi pala taga-UP yung dalawa. Taga ibang school, pero hindi namin alam kung saan, kasi hindi namin kilala yung uniform eh.

haha! bumalik kaya kami ni alyssa dun ulit?! wahaha!!

~~
anyway, pagkatapos nun, bumalik kami ni alyssa sa AS (palma hall). Magkikita kasi kami ni paps sa AS kasi sabay na kaming uuwi, pupunta kasi siya sa bahay kasi gagawa ng project. Nung papunta na kami sa meeting place namin, si alyssa, kinikilig! haha! bakit? kasi nakita namin yung crush niya na friend din niya! hahaha! pero nung unang daan namin, hindi pa kami masyadong sure kung yun nga yung si ****, kaya dinaanan lang namin.

isa lang ang masasabi ko nun kay paps, OOPS! haha! na late kasi ako eh. 2:30 ang usapan, mga 2:45 na kami nakarating ni alyssa! hehe. senxa na paps! haha!

ayun. nung pabalik na kami ni alyssa at kasama na namin si paps, na sure na niya na si **** na nga yun. aba, friend, ang haba ng hair mo!! hahaha!!

ay hindi, friend, ang haba ng hair naten!!! wahaha!!!! whoosh, hanggang vigan, san ka pa?! hahahahahahaha!!

~~
so, nagpunta na nga dito si paps kanina, kaso, parang hindi siya naka-concentrate ng maayos, kasi sandali lang siya dito.

ayun nga, gumawa lang siya nang konti, tas kwento ng konti. pagkatapos, hala, feeling hopeless na si paps.

paps! kaya mo yan! don't lose hope!

feeling kasi niya baka hindi daw niya matapos ngayong gabi, kasi tingin ko ang hirap nga talaga. sa itsura pa lang ni paps, mukhang mahirap talaga yang CS11 na yan. Ang dami-daming dapat gawin, grabe! buti na lang, walang ganyan sa tourism. hehe..

basta paps, kayang-kaya yan! mina-mani lang dapat yang CS11 na yan! go, aja! *pray pray*

e paps, bakit nga ang aga mong umalis? na-distract ka ba kay SHAKIRA?

~~

ayan, tuloy na tuloy na ang test sa SOCSCI2 at GEOG1. at sa TOUR102. waah!! di bale, pagkatapos nito, sa March 26 na lang ang pasok ko, finals sa tour 113 at presentation sa geog1. waaah!! Lord, help me!

todo na talaga to mga friends, eto na talaga ang final bout. wahaha!

aral na sa wednesday.

~~

o, share ko sa inyo ang to-do list ko.

* gawa ng kwento for MPs10(malikhaing pagsulat). minimum 100 words, 500 words max. (tonight)
* gawa ng script for geog1. kailangang lumabas ang kabadingan sa aking script! (tomorrow night)
*study for socsci2,geog1 and tour102 exams. (wednesday, whole day yan!)
*concept map para sa geog1. paper sa tour113 about sa trip sa binondo. (sa saturday)
*attend ng isa pang trip ni carlos celdran, quiapo siguro. (wednesday next week) sana masaya ulit!

ayan. hindi naman pala siya masyadong marami. pero kung iisipin mo, matrabaho pa rin eh, diba?

~~
para kay alyssa, dahil alam kong siya lang ang makakaintindi nitong next kong ilalagay (pero siyempre is-share ko na rin sa inyo, malay nyo, ma gets nyo, diba?)

hopeless na talaga friend. ewan ko ha, pero parang wala na talagang pag-asa. suko na talaga tayo kapatid! tsaka alam mo friend, parang nung nakita ko siya, parang walang ching! walang spark. hindi kaya sign na yun? diba?

tsaka lam mo, feeling ko nao-obvious-an na siya. hehe. feeling ko ang obvious ko eh. hehe.

~~

kahapon talagang na feel ko, ay, parang gusto kong lumipat sa bs psych ha.. kaso nung tinignan ko yung mga subjects, hala, pamatay! 5 units, 9 or 7 hours a week! grabe! kamusta naman yun diba? siyempre, ako naman, ayokong pinahihirapan ang sarili ko, kaya, i dropped the idea na lang. wag nang mag-shift! haha! tsaka ang taas ng cut-off grade. Dapat college scholar ka. Grabe talaga!!


~~

anyway, MISKOL ng craeons ang favorite song ko ngayon. bakit kaya? hehe. wala lang. haha!

ay.. na promise ko na nga pala na hindi ko na ulit babanggitin yang tungkol sa chever na yan. stop na ko jan! haha!

~~
hai.. ano kayang grade ko ngayong sem? sana naman mas mataas kesa last sem. tsaka sana naman, pasado ako sa tour 102. tagilid kasi yung reporting namin dun eh, hindi man lang kami binigyan ng chance! ang sama diba? hindi naman namin talaga kasalanan yun! inassume lang namin na ganun nga kasi siya naman ang may sabi. pero, cmon, ang tagal na nun, kaya ayun, bawi na lang sa finals!!
~~

ok.. next time na lang. uumpisahan ko pa yung kwento ko sa MPs10.

be right back!




pang-ilan na ba 'to?? Saturday, March 17, 2007 8:26 PM
sinisigurado ko sa inyo, mahaba tong post na ito!

iku-kuwento ko ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari.

but before anything else, gusto ko munang magsabi ng SORRY sa mga nag-e-expect ng mga posts mula sa akin. Im not that busy, pero hindi ako nakakapag-update. bakit nga ba?

matagal po kasing mag-load ang blogger. nakakainis. tsaka kailangan pang mag-google account. binili ba ng Google ang Blogger? o part na siya nito noon pa? tanong lang naman..

anyway, eto totoo na talaga to. I PROMISE magu-update na ako ng madalas.

ok. yung totoong post na.

~~

nagfield trip kami sa baguio.

wahaha! ang saya, kasi first time kong makapunta dun. First time kong makapunta sa Session Road, SM Baguio at kung saan saan pa. First time kong muntik mawala sa isang foreign place. Hahaha! Si Donna kasi eh! hehe..

anyway, masaya talaga kasi nakapag-bonding kami ng mga classmates namin sa Tour 113, tsaka ang mas nagpapasaya pa dun, WALA KAMING PAPER TUNGKOL SA BAGUIO TRIP NAMIN! wahaha! I LOVE YOU PROF ORTIZ!

~~

dahil sosyal na ako, may hell week na rin ako.
at next week na yun.

monday next week: may klase pa ako sa lahat ng subjects ko, samantalang ang iba e wala nang class sa mga GE nila. hai..
tuesday next week: ganun din. may klase pa rin ako. puno pa rin. magpapasa pa ako ng kwento para sa MPs10 ko. di bale, last na to.
wednesday next week: no classes. todo na to. aral na para sa test sa geog, socsci2 at tour 102. todo aral na talaga to. im dead serious.
thursday next week: test sa socsci2 at geog1. no classes na sa tour 113. salamat naman, may 1 hour 30 mins ako para mag-aral. nalihis pa rin sa schedule ni paps! kamusta naman!
friday next week: test naman sa tour 102. finals na actually. kailangan galingan. x2 ang grade namin dito dahil nabura yung record namin sa laptop ni tony (ung prof namin), so times two ang score ko sa finals. dapat galingan!

actually hell week na rin last week. pero ayos pa naman dahil pinasaya naman ako nila bhest at paps. tinulungan pa ako ni paps sa project ko na journal for soc sci 2. haha! thanks talaga paps!

~~

naghahanap ako ng mga friends ko dati sa friendster.
sana naman no, mahanap ko sila. bat ba nila binabago yung name nila? bakit hindi na lang sila mag stick sa totoong pangalan nila? huhu..

pero ayos lang, kahit yung friend ko nung grade 1 ako nahanap ko pa. yehey! si nestlie pala yun.

~~

musta na pala yung hell week ko last week? (sorry ito lang talaga yung naaalala ko)

monday: hai.. ganun pa rin. socsci2, tour 113, geog 1. uwi na. hhaaii... pero dumating si paps nung mga bandang 4pm. gumawa kasi siya ng project nya for CS11. ayun. kwentuhan kami nila bhest. tungkol sa mga kung ano-ano. ganun lang pero ang happiness talaga! haha!
tuesday: wala kaming tour 102 kasi wala yung mga reporters. so MPs10 lang ang klase ko. Magpapasa lang ng kwento na maximum of 100 words. 10 am na nga yung klase ko, na late pa ako! hai naman! tapos hindi ko alam magwo-workshop pala, so dapat napa-photocopy ko yung kwento na ginawa ko. bumaba pa tuloy ako ulit. imagine, umakyat ako ng 4th floor, bumaba, tas umakyat ulit! haggard na talaga! pero ayos lang ulit, kasi after nun nagkita kami nila regina at rachelle. haha! at namiss talaga namin ang isa't isa! pano ba naman, talagang sinulit namin ang kwentuhan! tapos hinatid pa namin sa math bldg si regina. dapat hanggang 11:30 am lang ako sa UP, nakauwi ako ng mga 2pm. bad tricia! haha! buti na lang hindi ako pinagalitan ni mama.
wednesday: no classes. ano bang ginawa ko? ah, yung project ko sa socsci2. inumpisahan ko siya ng umaga, kasi si paps nagpromise na tutulungan niya akong gawin yun. Hapon na nga nung dumating si paps, ang sama kasi ng ugali nun, ayaw mag-reply sa text ko. Pero dumating naman siya, tsaka tinulungan niya talaga ako. thanks paps!
thursday: pinasa ko yung project sa socsci2. ayos naman! waah! malapit na yung third long exam! nag-class kami sa tour 113, tas nag meeting kami ng mga ka-group ko sa geog 1 about sa presentation namin. hai. sana matapos namin yun teleserye namin.
friday: tour 102. nagreport yung 2nd to the last na group, tas nalaman ko na wala palang MPs10! ibig sabihin hanggang 10 am lang ako! naman!

hell week ba?

~~

nahihiya talaga ako sa ibang UP students. nahihiya na naiinggit. kasi naman, parang sobrang aga ng uwi ko palagi. tapos parang sila, nagco-complain na sobrang puyat dahil sa schoolwork, walang time na manood ng tv, puro review sa mga subjects. parang ako, wala lang. bahala na. may test? bukas na ko magbabasa. tapos sobra pa ako manood ng tv. hai. magbago ka na tricia!

gusto ko ring mapuyat! matulog ng 3-4 am dahil sa pag-aaral! mahilo sa dami ng tests! para naman ma-feel ko na taga-UP talaga ako.

lumipat na kaya ako ng psych?

magre-removal ba ako o magre-retake?

musta kaya ang summer ko? matuloy kaya ang reunion namin ng mga elem friends ko?

abangan..

~~

oops! hindi pa tapos!

inatako pala ako ng depression two weeks ago. kasi, wala lang. bakit ba kasi kailangang problemahin yang si chever? nga pala, si chever ay bagong "crush" ko. special siya kasi.. basta! special siya kasi mejo close kami.

tapos nagsinungaling pa kami sa prof ko. siguro, nasobrahan ako kaya ayun, na-sad talaga ako. napaiyak pa ako talaga.
si paps sana yung pagsasabihan ko ng problem, kaso yung loko hindi ba naman mag-reply sa text ko. tapos kinabukasan, magtatanong kung bakit ako sad?! musta naman, kung kelan hindi na ako masyadong malungkot, tsaka siya magtatanong. ayun tuloy, tungkol na kay chever yung nai kwento ko sa kanya.

waha!may nakakatawa pala tungkol kay paps at chever. haha! kami lang nila rachelle at regina ang nakakaalam! haha!

sikreto yun!

~~

ano pa ba gusto kong sabihin?

a! may PBB season 2 na! haha!

anyway (ayan nanaman ako sa tv addiction ko) sige it-try ko na talaga mag-aral ng mabuti. umpisahan na bukas!

oo nga pala..

BAGONG SKIN PARA SA BAGONG BUHAY!!!




depression sucks.. two weeks lang 'tong post na to. 5:15 PM
hai.. kainis tong blogger ha! kailangan pang mag google account! kainis!

anyway, para sa inyo, nag google account na ako. labs ko kayo eh! haha!

kamusta naman ako?
kahapon depressed. as in. feeling ko ang sama sama na ng ugali ko. kaya itinulog ko na lang. ayun pag gising ko mejo masaya na ako. hehe, kulang lang siguro ako sa tulog.

ngayon naman.. broken hearted yung friend ko! huhuhuhu...
kainis. ang kulit kulit, depress-depressan pa. naiinis daw siya sa sarili niya. kasi naman, biruin mo, hindi pa nagsisimula, umatras na siya. wala pang nangyayari, sumuko na siya. wala pa siyang nasasabi, umayaw na siya. kung ako yun, ang sakit siguro sa loob.. huhu..
pano ba naman, di ba, kung alam mo na na wala ring mangyayari, wag na lang ituloy. eh haller, alam kong hindi naman siya manhid para hindi maramdaman na parang kapatid lang ang tingin nung guy sa kanya.
ang mali lang niya, sumuko siya nang walang kalaban-laban. hindi niya sinabi, basta napagdecide-an niya na, wag na lang, give up na. walang mangyayari, lalo lang siyang mahu-hurt. kung ngayon nga lang hindi namamanhid na yung feelings nya dahil sa hurt, makaya pa kaya niya pag pinatagal pa niya? di ba? o advice naman para sa friend ko peepz.

ayan. tungkol naman sa guy. bakit nga ba niya yun nagustuhan?
ewan ko nga dun. marami naman siyang crush na iba, pero pagdating dun sa guy na yun, iba eh. iba talaga. haha.

bat kaya alam na alam ko? hehe..

~~ o eto na lang. lines sa magagandang songs..

before i let you go i want to say i love you
i hope that youre listening coz its true..
-before i let you go, freestyle

nakakainis mang isipin nagmumukha na pala akong tanga
para maniwala at umasa sa aking mga hakahaka
na ikaw ay may nararamdaman din para sa akin
sa bawat oras ng pagtawag mo nang walang dahilan
isang miskol mo lang, ako’y nabubuhay sa isang pangarap
kahit simple lang....
- miskol, craeons

ive tried to tell you so many times this feelings of mine
but its not that easy letting you know how i love you so
- we belong, toni g.

senti mode!
note: one week lang tong post na ito dito. ide-delete ko for some reasons. hehe.

sana mabasa ni chever 'to.




Tuesday, February 06, 2007 5:47 AM
random chorvas...

i can't open my friendster account!!

since our computer is infected daw with the trojan horse virus (don't freak out!), some internet programs can't be opened. Also, some pictures can't be seen, just tabs with an x in the middle. craps. the only websites that i can browse are the following:

-Soompi.com- it gives me the daily dose of korean entertainment gossips... also the forums are fun to read. i frequent yoon eun hye, joo ji hoon and goong threads. (di halatang fan eh 'no?). anyway it's a whole of fun talaga, reading news about eun hye and seeing SOME of her old and new pics (some because of the faulty of our computer).

-Blogger. though it took me ages to open the site yesterday, still, im here!!! update update!! hehe..

-multipy accounts of some people. not all people. just ziella's and kc concepcion's accounts. (yes ziella iba na ang ka-level!!)

- yoon eun hye's blog. korean characters. yun lang. but still, the pica are great. she's really pretty talaga, especially without makeup. and her dog's too cute!!


still im frustrated with friendster. i can't open it!! im in total need of surveys!! huhu...

~~

i borrowed a book from Asian Center. Myongdo's Korean. see? im sooo desperate in learning the language! sobra talaga! kaso nga lang, hindi ko ma-practice kasi wala akong ka-practice. kainis to the nth level!!!

im studying korean every wednesday, with the help of UP Arirang (which im planning to join on the first sem of my second year of my college life (para cute!)).

kwento about the first meeting:

- Ate Jessie (Jessi unni) taught us hangul, or the korean alphabet. i learned how to read it way back in my high school days, because of my obsession in koreanovelas. Learning how to read and write is totally a plus.

she, along with HwaYoung unni, who teaches pronounciation, taught us how to introduce ourselves in korean, and some useful phrases.

Alyssa, Nadine, Regina and I were present in the previous meeting. Like me, Alyssa also wants to learn korean so much. Hai.. i hope we'll learn it soon, because were planning to teach some korean students some english for some money next sem.

tomorrow is a wednesday! yipeeyay!

~~

pics pics pics!

cool pics from my friends! but, i can't post it. too bad.

~~

GOONG S. (Prince Hours)

wow! a sequel to Goong (princess hours)? no. it's not related, though the story is somewhat close to the original. This time it is not about a princess but a long-lost prince. I watched the first episode on youtube, but the next episodes were deleted as for copyright purposes. Sayang talaga!! Wish i could tell my Poppa to get an MBC pack from SkyCable, but i think he's still mad (tampo lang pala) because of me dropping my creative writing subject. Hai...

~~

Antagal ng princess hours! Kainis talaga! sobrang late na kasi, kaya eto, nagb-blog una ako habang naghiintay.

<--segway lang. hehe.. tagal talaga eh..charing!

~~

field trip sa Binondo!!!

yeah!

si Carlos Celdran ang nag-tour sa amin. He's great, and he's not boring. Di katulad nung ibang tour guides pag field trips nung high school, nakaka-antok.

First time kong sumakay sa kalesa. Wowee!! hehe. it's soooo fun!! grabe! ang cute nung kabayo kahit mejo may amoy. harhar.

eto pa. We went around the streets of Binondo while in a kalesa. Residential pala yung area so many of the residents went outside their houses to wave at us (the whole tour group was in about 17 kalesas). Some even thought we were foreigners! Some thought we were balikbayans! I think they were disappointed when they found out that were not, and we're just students taking a tour. Hehe..

~~

princess hours na!

so, next time na lang ulit!

~~

current watch:

* Spring Waltz
* Dalja's Spring- KBSWorld
* Super Rookie
* Save the Last Dance for Me

--wag nyo nang itanong kung pano ko tinatapos lahat yan.

current fave songs:

* irreplaceable- beyonce knowles (to the left to the left!)
* if we fall in love- yeng and rj (princess hours fever.. so if we fall in love..yun na. IF. IF!! hanggang if na lang talaga ako..)
* Perhaps Love- howl and J (sarangigayo geudae nawagatamyeon shijagingayo..)
* Pagibig na Kaya- christian and rachelle ann (literal translation ng Perhaps love.. pag ibig na kaya?)

current faves:

* joo ji hoon- yoon eun hye loveteam. Princess Hours attack! hehe..
* starbucks mocha frapp.. love it love it.
* agent x44. funny!! super! hahahahahahahahahaha!!!
* toki. i seldom ride the ikot this sem.
* Bread Pan toasted bread. hehe. wala lang.
* Cosmopolitan perfume, zenzest. bango. perfume ko na siya for almost 5 months. hehe. hindi nagbabago ang amoy ko!
* Princess Hours. enough said.
* yoon eun hye's dog. so adorable.
* the man in the vineyard. oh man seuk.. well.. yoon eun hye rocks!
* wednesday. such a great day.
* KBSWorld. sooo love it.
* Sponge/KBSWorld. so informative.


kau.. anong curent favorites nyo??

~~


to be continued...

*ching!*




mahabang pahinga... Sunday, January 21, 2007 11:44 AM
hello!!
dahil sobrang in demand ang mga posts ko, eto na!!

san ba ko mag uumpisa?

~~

christmas.

same christmas. simba sa church, dinner, open ng gifts. un lang, pareparehas lang.

at ang isa pang parehas-- malamig pa rin ang aking pasko. ano ba yan!!!!

the good thing is, some of my cousins from the states came to the Philippines to celebrate Christmas the filipino way. syempre, iba ang feeling pag sa states diba? anyway, si ate lyn at ramil (na super cute) ang dumating. masaya din kasi may reunion ang family namin 2 days before christmas.

mejo malaki-laki rin ang nakuha kong money ngayong christmas, pero pinambili ko lang ng gifts.. hehe...

~~

wedding ni tita riah at tito victor.

wow. ang ganda. grabe. ang ganda nung venue (fernwood), tas ang ganda ng songs.

wish ko lang ganun din ang wedding ko, pero hello? tagal pa kaya nun. siguro mga 15 years pa. hehe.. bawal mag-plano, mamaya hindi matuloy. hehehe...

~~

nagpunta si vonn dito kahapon.

gagawa kasi siya ng project nya sa cs11 (na according sa kanya ay sobrang masakit sa ulo, nakita ko naman kahapon habang gumagawa siya). ayun, kaso sa sobrang hirap, 10 pm na hindi pa niya tapos. sana nga matapos nya..

dumating siya kahapon ng mga 2 pm, tas nag umpisa na siya. imagine, 8 hrs! ay hindi pala, may break pala, meryenda tsaka dinner. tsaka snack. hehe. so mga 5 hrs nyang ginawa.

alyssa: hindi ako makakuha ng matinong pic nya. ang kulit kasi!

ayun, feel at home pa nga sa bahay eh, tapos tawa naman ng tawa yung mga sis ko kasi ginagaya niya si gus abelgas.. yung sa soco (reg kung nandito ka matutuwa ka!) hehe..

ayun, hindi na nga nya natapos kasi gabi na, tinext na nga siya ng nanay niya na umuwi na siya, kaya ayun, umuwi na nga siya. circles?!

~~

id-drop ko na ang cw10 ko. natatambakan na ako ng isusulat! tsaka ang hirap talaga. parang ang dami kasing requirement, tapos yung mga comments pamatay. so goodbye cw10!!

tapos na pala yung long test namin sa socsci2. akala ko hindi ko kakayanin yun, kasi mahirap nga daw, pero ok naman yung kinalabasan ng test. one point na lang, nasa top ten na!!! i hate myself! haha.

~~

princess hours!! ah! ang ganda ganda ganda ganda ganda talaga nun! grabe! sobra! favorite ko na yun ngayon, tsaka si yoon eun hye!

namamakyaw nga pala kami ni reg ng mga koreanovelas sa circle c! haha! masaya naman eh, pinipilit kong tapusin yung save the last dance for me, princess hours (ulit), at vineyard men. hirap pagsabay-sabayin ha!

tsaka hirap pa pag nakikisabay si ping, kaya sa ps2 na lang ako nanonood. hindi ko nga ituturo sa kanila kung pano paganahin ang dvd dun para ako lang ang nakakaalam! hahahaha!

~~


kulang pa? sorry.. busy lang talaga, sobra.

to be continued...